ILALABAN KITA NG PATAYAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
The Featinean publication, June 1995
Alam mo, irog, mula nang makilala ka
Itong aking puso'y lumundag sa tuwa
Naaalala nga kita sa tuwi-tuwina
Maghapo't magdamag tuwing nag-iisa
Napakaamo sadya ng iyong mukha
Di ka makatkat dito sa aking diwa
Pag-ibig nga ba ang aking nadarama
O paghanga lang sa iyo, aking sinta
Bakit daw sa iba, ang lakas ng loob ko
Pero natotorpe ako pagdating sa iyo
Para patunayan ang pag-ibig kong ito
Kahit ano'y itataya kahit man buhay ko
Buhay ma'y handang ialay, aking liyag
Dahil pag-ibig nga itong nadarama
Hinagpis ko't lungkot ay nawala
Pinawi ng ngiti mong matamis, aking sinta
Sana'y makasama kita hanggang kamatayan
Saanmang labana'y di kita pababayaan
Durugin man nila ang buto ko't katawan
Hanggang dulo, mahal,
Ilalaban kita ng patayan!
PANGAKO SA 'YO
No comments:
Post a Comment