ni Gregorio V. Bituin Jr.
Kaibigan, alam kong kilala mo ako. Sa mga pahayagan, nababasa mo ako. Sa radyo at telebisyon, laging sinasambit ang aking pangalan. Sa mga inuman, sa mga sosyalan, maging sa pamahalaan at sa mga nasa kabundukan. Mula Luzon hanggang Mindanao. Mula Jolo hanggang Aparri. Mula silangan hanggang kanluran. Sa apat na sulok ng daigdig, kilalang-kilala ako. Dahil nagdudulot ako ng kaligayahan sa mga taong kumakaibigan sa akin, sa mga taong sumasamba sa akin. Pinasasaya ko ang araw ng mga taong wala nang ginawa kundi tumunganga buong maghapon.
Sa mga sosyal, sa mga may katungkulan sa lipunan, sa iba't ibang uri ng mga tao, ako ay itinuturing na isang dakilang kaibigan. Sa hirap at ginhawa, lagi nila akong kasama. Sa mga problema't kasiyahan, ako ang kaagapay nila. Oo, sa tingin nila'y isa akong dakilang kaibigan, isang dakilang kasama. Ngunit ang hindi nila alam, isa akong traydor. Sa bawat paglapat ko sa kanilang mga labi, sila ay nagiginhawaan habang unti-unti ko silang pinapatay. Unti-unti kong nilalason ang kanilang katawan.
Alam mo bang marami nang tao ang pinatay ko? Oo, isa akong kriminal, pinatay ko ang mga taong kumaibigan sa akin. Pinatay ko silang dahan-dahan. Pinapanghina ko ang kanilang mga baga. Namatay silang walang kalaban-laban. Namatay sila ng dahil sa akin. Oo, nang dahil sa akin.
Ikaw, gusto mo bang makipagkaibigan sa akin? Gusto mo bang makipagkaibigan sa isang tulad ko? Mag-isip-isip ka muna bago mo ako kaibiganin. Baka pagsisihan mo lang ang lahat pagdating sa huli. Alalahanin mo, laging nasa huli ang pagsisisi. At kung kaibigan mo na ako, unti-unti kitang kokontrolin, hanggang hindi mo na ako maialis sa katawan mo.
Alam ko, marami ka pang pangarap. Huwag mo itong sirain. Huwag mong sirain ang kinabukasan mo. Nagsusumamo ako sa iyo. Ayaw ko nang dahil sa akin, maraming mapahamak. Sawang-sawa na ako. Ayoko nang pumatay. Ayaw ko nang maging kriminal. Ako'y nagmamakaawa sa iyo. Hangga't maaga pa, iwasan mo ako.
Iyan lang ang tangi kong magagawa, ang makiusap na layuan mo ako. Hindi ko kayang pigilin ang mga taong lumikha sa akin, ang mga taong nagpapayaman dahil sa akin, ang mga kapitalistang patuloy na gumagawa ng mga katulad ko. Gumagawa ng mga kagaya kong SIGARILYO.
- Agosto-Setyembre 1993

No comments:
Post a Comment