ANG TUNAY NA KAIBIGAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
The Featinean publication
"A friend in need is a friend in deed."
Isa itong kasabihan sa wikang Ingles na nagsasabing ang isang kaibigang dumadamay sa oras ng kagipitan o pangangailangan ay tunay na kaibigan.
Tama. Kaya lamang, maraming pangyayari sa buhay ng tao na kapag nangangailangan siya ng tulong sa oras ng kagipitan, at may tumutulong naman sa kanya, at ang mga tumutulong sa kanya ay maaaring ituring na tunay na kaibigan, ngunit sa tunay na kahulugan, sila ay pangkaraniwang kaibigan lamang.
Halimbawa, nadukutan ka o kaya nama'y naipatalo mo sa sugal ang lahat ng pera mo at may nagpautang sa iyo, maaaring nasunugan kayo o kaya'y napasama sa mga nagsilikas ang inyong bayan dahil sa pagputok ng bulkan, paglindol o di kaya'y giyera. Marami ang tumulong sa oras ng kagipitan. Maituturing mo ba silang tunay na kaibigan? Maaaring sila ay mga volunteer ng isang kilalang organisasyon na may tungkuling tumulong sa mga nangangailangan.
Ang tunay na kaibigan ay hindi lamang nakikilla sa oras ng kagipitan. Sila iyong mga taong gusto nating kausap, kasama, kagalit, o kaargumento palagi. Okey lang sa atin ang kanilang kalokohan, kahinaan at mga negatibong pananaw sa buhay. Dahil ganoon din tayo.
Sa tagal ng panahong ipinagsama ay natanggap natin sila kagaya ng ating mga kapatid, pinsan o kamyembro ng pamilya. Kailangan natin sila sa maliit na mundong ating ginagalawan, tanggap natin kung sino at ano sila, gayon din sila sa atin.
Kailangan natin ng mga kaibigan hindi dahil sila ang pinakamalapit sa atin, kundi sila iyong mga taong hindi pangkaraniwang tulong lang ang naibibigay kundi mismong sila, mismong sarili nila.
Lagi silang may panahon sa atin. Hindi sila masaya pag wala tayo. Nami-miss nila tayo gayong kainuman lang natin sila sa kanto, kasama sa eskwela o trabaho, o di kaya'y kalaro-kalaro lang natin sila ng chess sa barberya.
Sila'y hindi mga kaibigan mo lamang sa oras ng pangangailangan. Maski hindi mo sila kailangan ay nandyan sila at may oras para sa iyo. At ganuon ka rin naman sa kanila. Sa madaling salita, sila mismo ang kailangan mo, at ikaw ang kailangan nila, hindi ang itutulong nila o ang itutulong mo sa kanila.

No comments:
Post a Comment