ANG NUCLEAR ARMS RACE:
Paligsahan ng mga Kapitalistang Bansa
ni Gregorio V. Bituin Jr.
"Nagkaroon ng malawakang pagbabago sa ating pag-iisip at pagkatao ang pagkakahati ng pinakamaliit na bagay sa buong mundo, ang atomo, sa maraming bahagi, at ito'y nagdulot sa atin ng walang kapantay na kapahamakan." - Albert Einstein
Kamakailan lamang, sa pagsisimula ng panunungkulan ng bagong pangulo ng France, si Jacques Chirac, nitong Hunyo 1995, inanunsyo niya ang iskedyul ng kanilang nukleyar testing bago nila pirmahan ang Comprehensive Test Ban Treaty sa 1996. Mula Setyembre 1995 hanggang Mayo 1996 nakatakda ang testing na ito na sa kasalukuya'y ginagawa sa Mururoa at Fangataufa atolls sa French Polynesia. Ikinagulat ng maraming bansa sa mundo ang desisyong ito ng France, lalo na sa mga kasapi ng Nuclear Non-Proliferation Treaty (NNPT). Dahil dito, kinundena ng maraming bansa partikular na ang Australia, New Zealand at Pilipinas ang desisyong ito dahil na rin sa usapin ng pagkasira ng ekolohiya at epekto ng radiation nito sa katawan ng tao at sa kapaligiran.
SAAN BA NAGSIMULA ANG NUKLEYAR NA ITO?
Nadiskubre ng syentistang si Albert Einstein ang teorya ng relatibidad, at inakda niya ang pormulang e=mc2 (energy equals mass times the square of the speed of light), kung saan nagdulot ito ng malaking pagbabago ng physics sa buong mundo. Isa na rito ang pagkakahati ng atomo, na siyang dahilan naman upang makagawa ng nukleyar.
Nagsimula ang paligsahan sa paggawa ng bombang nukleyar bago pa man sumiklab ang Ikalawang Daigdigang Digmaan. Dalawang matatalinong magkaklase sa physics ang nagsimula ng pagsasaliksik sa paggawa ng bombang atomik: sina Enrico Fermi (1901-1904), ng Italy at Werner Karl Heisenberg (1901-1976) ng Germany. Si Fermi, isang Italyanong nanirahan na sa Amerika noong 1939, ay nanalo ng Nobel Prize sa Physics noong 1938 dahil sa kanyang induced radioactivity, samantalang si Heisenberg ay nanalo naman ng Nobel Prize sa Physics noong 1932 dahil sa kanyang quantum mechanics.
Silang dalawa nang bumalik sa kani-kanilang bansa ay naglingkod sa pamamagitan ng kanilang kaalaman sa nuclear physics. Si Fermi ay nasa panig ng Allied Powers at si Heisenberg naman ay nasa panig ng Nazi Germany. Sa simula ng 1939, kasama ang Nazi, inaayos na ni Heisenberg ang pagyari ng nuclear reactor, ngunit nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan ni Hitler tungkol sa paggawa at paggagamitan nito kaya naging mabagal ang pag-unlad ng kanyang pananaliksik.
Nuong Disyembre 1942, matagumpay na naisagawa ni Fermi sa Unibersidad ng Chicago ang pagkontrol sa lakas-nukleyar. At noong Hulyo 16, 1945, sa pangangasiwa ni Fermi, naganap ang kauna-unahang nuclear test sa Trinity Site sa Alamogordo, New Mexico.
Pagkaraan ng ilang araw, nuong Agosto 6, 1945, inihulog sa Hiroshima mula sa eroplanong B29 Enola Gay ang bomba atomika na may pangalang Little Boy (4400 kg., 3m x 0.7m) kung saan 140,000 katao ang namatay. Ang sumunod naman ay ang Fat Man (4500 kg., 3.5m x 1.5m) na sumabog sa Nagazaki nuong Agosto 9, 1945 na kumitil sa 74,000 katao.
Kasalukuyang nagaganap ang nuclear testing ng France sa Mururoa at Fangataufa atolls. Ang dalawang atolls (ang atoll ay pabilog na coral reef system na may lagoon sa loob) na ito'y bahagi ng Toamotu archipelago na nasa French Polynesia. Ito'y may layong 24,000 km mula sa France samantalang 9,000 km lamang ang layo nito sa Pilipinas. Sa pagitan ng 1966 hanggang 1991, 175 nuclear tests na ang naisagawa ng France sa mga atoll na ito bilang bahagi ng kanilang nuclear weapons testing. Sa 175 tests, 44 sa himpapawid (39 sa Mururoa at 5 sa Fangataufa) at 131 sa underground tests (123 sa Mururoa at 8 sa Fangataufa). Nagsagawa rin sila ng 17 tests sa Algeria nuong 1960-66 (4 sa himpapawid at 13 sa underground). Hindi ito opisyal na inilabas sa press ng France, ngunit ayon sa seismic studies ng Sweden at New Zealand, ito'y umaabot na sa 2,500 kilotons ng TNT.
Ayon sa French Defense Ministry, ang pagpapasabog sa Mururoa atoll ay katumbas o maliit ng kaunti sa 20 kilotons ng TNT, di hamak na mas matindi ang radiation ng nuke test sa Mururoa kaysa sa Hiroshima! May plano rin ang France na gumastos ng 130 billion Francs (22B US dollar) sa kanilang nuclear forces sa pagitan ng 1995 hanggang 2000. Kasalukuyan nilang dinidebelop ang kanilang M45 missile na may anim na bagong 100 kiloton TN75 warheads na may kapasidad na 6000 kms ang kayang abutin. Ang kanilang bagong missile, ang designated M5, ay may mas malayong kapasidad. Ito'y nakapagbubuhat ng anim hanggang 12 nuclear warheads.
Ayon sa France, ang walong nuke tests na ito ay kailangan nila para malaman nila ang kalidad ng kanilang nilulumot na nuclear arsenal, mapatunayan ang husay ng bagong warheads na ilalagay nila sa isang bagong submarine launched missile at naghahanda sa panahong mapatunayan nila na ang computer simulated na tipo ng pagpapasabog ay mas epektibo bilang armas-pandigma. Ang determinasyon ng France na ipagpatuloy ang nuke testing, ayon sa mga anti-nuke na grupo tulad ng Greenpeace, ay sa dahilang nais ng France na iabot ang mensahe na makapangyarihan pa rin ang kanilang bansa, may kakayahang ayusin ang sariling interes at maipakita ang kanilang katatagan laban sa presyur ng international communities.
Karamihan ng mga kumukondena sa French nuke test ay mga bansang may limitado o walang armas-nukleyar gaya ng Australia, New Zealand at Pilipinas. Di kinundena ng mga bansang may armas-nukleyar ang aksyong ito ng France, at nanatiling tahimik ang Amerika at Britanya habang pinupukol ng puna ang France. Samantalang kinundena naman ng Amerika ang North Korea at Iraq sa pagsasabing may armas-nukleyar na silang dinidebelop ay may biological at chemical weapons na rin, pero di nila makondena ang France. Dahil ba di mapasunod ng Amerika ang North Korea at Iraq, at ang France ay madaling pakisamahan?
Natural lang ba sa isang bansang kapitalista, gaya ng France na kasapi ng Group of Seven (G7), mga bansang may hawak ng mga malalaking kumpanya at kalakal sa buong mundo, ang pagsasagawa ng terorismo gaya ng nuke testing? Ang France ang pangunahing tagabenta ng plutonium sa buong mundo at agresibong promotor ng teknolohiyang nukleyar. Sila rin ang nagsuplay ng dalawang malaking research reactors at 72 kilos ng matataas na kalidad ng enriched uranium sa Iraq na nagpasimula ng Gulf War. Mukha yatang isang malaking advertisement ng France ang mga nuke tests para maibenta nila ang kanilang plutonium at oo, isang malaking business ang gera. Natatandaan pa ba ninyo ang Gulf War na pinangunahan ng Amerika laban sa Iraq? Hindi ba malaki ang kanilang tinubo dahil maraming bansa ang bumili ng kanilang armas-pandigma na may most advanced technology gaya ng Stealth Fighter planes na hindi nadi-detect ng radar at Patriot missiles na pinantatapat sa Russian-made Scud missiles?
'Yan ang kapitalismo. Di bale nang mamatay ang kapwa mo basta't malaki ang iyong tutubuin. Patuloy na umuunlad ang mga kapitalistang bansang ito habang nararanasan ng mayorya ng mamamayan ang matinding kahirapan at kagutuman sa buong mundo. Naglalaan sila ng malaking kapital sa produksyon ng armas-nukleyar para di sila masapawan ng ibang bansang may gayunding armas. Ito'y maaari din nilang gamiting panakot sa iba't ibang klaseng negosasyon at gawing pananggalang sa kanilang sariling interes.
Kung sa pagkain at pangunahing pangangailangan na lang nila ilalaan ang perang ginastos sa paggawa ng mga armas na ito, disin sana'y di naghihirap ang maraming bansa gaya ng Bosnia at Somalia.
Depensa raw, depensa ng ano? Ng kanilang kapital, hindi ng kanilang mamamayan. Kung ang bilyun-bilyong salapi na ginagastos nila sa paggawa ng armas-nukleyar ay gastusin nila para mapaunlad ang pinanggagalingan ng pagkain gaya ng mga bukid, dagat at pabrika, wala sanang magugutom. Kaya ang isyung ito ay di lang usaping ekolohiya o pagkasira ng kapaligiran, kundi ng kapitalistang pagdadamot upang magkamal ng malaking tubo. Tunay nga ang sinabi ni Albert Einstein, na ang pagkakahati ng pinakamaliit na bagay sa buong mundo, ang atomo, sa maraming bahagi ay nagdulot sa atin ng kapahamakan.
- The Featinean publication, Setyembre 1995

No comments:
Post a Comment